14 December 2024

TUGUEGARAO CITY- Itinanggi ni City Mayor Maila Rosario Ting Que ang alegasyon tungkol sa pag “sponsor” umano ng Tuguegarao City sa mga estudyanteng Chinese.

Ani ni Ting Que, hindi maaaring ilaanan ang mga dayuhan mula sa ibang bansa ng pondo ng kanilang Local Government Unit (LGU).

“Tuguegarao cannot do that, we can’t give if they do not came from Tuguegarao,” ani ni Ting Que.

Pinaalalahanan nito ang mga tao upang magsiyasat muna bago maniwala sa mga alegasyon na walang katotohanan at “fake news” lamang.

Samantala, maaaring makapagbigay ng scholarships sa mga estudyanteng dayuhan kung nag-aaral ito sa State Universities.

Isa na rito ang Cagayan State University (CSU) sa Tuguegarao, hawak ito ng gobyerno ngunit desisyon ng unibersidad kung magbibigay sila ng scholarship sa mga estudyanteng dayuhan.

Sa Saint Paul University Philippines (SPUP) naman, 456 ang estudyanteng dayuhan sa tinatayang 10,000 estudyante roon.

Hindi maaaring manduhan ng LGU ng Tuguegarao ang SPUP dahil isa ito sa mga pribadong unibersidad.

Isinaad niyang hindi lamang iyon para sa mga Chinese dahil nakapag-aral na rin doon ang mga taga-India at Korea.

Sa ngayon, positibo ang epekto nito sa Tuguegarao City dahil nakakapag-ambag ito sa kanilang karagdagang kita, lalo na ngayon at ang isang yuan sa China ay pitong pesos dito samantalang 57 pesos naman sa isang United States (US) dollar.

Inihayag ni Ting Que na lahat ng mga dayuhan ay maaari pa ring manatili sa kanilang syudad.

“We do not take side to a war we do not part of,” ipinunto nito.


PANOORIN:

Headstart: Tuguegarao Mayor Maila Ting-Que on influx of Chinese students in Cagayan | ANC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *