TUGUEGARAO CITY- Pinayuhan ni City Mayor Maila Ting Que ang mga estudyanteng mamamahayag nang ginanap ang Mini Press Conference sa People’s Gymnasium ng Tuguegarao City, ikatlong araw ng Mayo.
Isinaad ni Ting Que, bilang isang Mayor, suportado niya ang mga estudyanteng mamamahayag dahil sila ang magiging kasangga nila sa pagsusulat ng balita sa hinaharap.
Kasali sila sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2024 sa pang grupong kompetisyon, Collaborative Desktop Publishing at Online Publishing ng elementarya at sekondarya.
Ginanap ang RSPC 2024 sa pangalawa hanggang ikaapat na araw ng Mayo.
Irerepresenta ng mga mananalo ang Rehiyon Dos sa National Schools Press Conference (NSPC) na magaganap sa Cebu City.
Ipinahayag nito sa mga bata na nais ng Tuguegarao na mayroon silang matutunan sa pagpunta nila sa kanilang siyudad.
“I hope that you learn not just become journalist but to become a responsible journalist,” pagpapayo ni Ting Que.