Hindi isa, dalawa, kundi limang takedowns ang ibinida ni CAVRAA 2023 bronze medalist Joseph Tuliao sa Wushu Sanda -48kg Division Exhibition Match kontra kay CAVRAA 2024 qualifier Reave Requiño.
Sinara ni Tuliao ang laro sa 2-0 nang makuha ang boto ng limang hurado nitong umaga, ika-tatlo ng Mayo sa Tuguegarao City Science High School.
Nakuha ni Tuliao ang bentahe sa unang round, 5-0, at humirit pa sa pangalawang round, 4-1.
Ayon sa kanilang head coach Joven Addun, ang mga takedowns, strikes at mas mahabang experience ni Tuliao ang nagpanalo sa kanya.
“Ako kasi, more on strikings ang games ko,” dagdag ni Tuliao nang tanungin kung ano ang technique niya sa pagkapanalo.
Bukod pa rito ay kasalukuyang may injury sa right ankle si Requiño na siyang tinik para mapakawala niya ang kanyang power kick.
“Kicking po kasi yung technique ko at ayun dahil sa injury di ako makapower kick,” ani ni Requiño.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-eensayo ng dalawang manlalaro kasama ang iba pang mga atleta at kanilang mga coach para sa pangarap nilang makakuha ng silya sa susunod pang CAVRAA 2025.