13 December 2024

Habang nilalanghap ang preskong hangin ay natatanaw ko ang mga naglalakihang puno, agos ng tubig at ang iba’t ibang tanawin na kung sa tutuusin ay para kang nasa ulap kung pagmamasdan.

Gusto mo bang sumama at lakbayin ang lugar na parang ulap? Kung oo, halika na at lalarga na!

Pauwi kami noon galing sa Manila kasama ang aking pamilya ng biglang simulan ni lolo ikwento ang patungkol sa kaniyang lugar kinalakihan, noong una hindi ako interesado ngunit nang marining ko ang salitang ‘Cagayan Valley’ ay bigla-bigla kong iminulat ang nakapikit kong mga mata at binuksan ang mga tainga.

Ang Cagayan Valley ay nagmula sa salitang “tagay”, isang uri ng halaman na sagana sa paglaki sa hilagang bahagi ng lalawigan. Kaya, ang “Catagayan” na nangangahulugang isang lugar kung saan sagana ang tagay ay pinaikli sa “Cagayan”.

Panoorin: Natatanging ganda ng Cagayan Valley

Ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas na kung saaan kilala bilang isa sa pinakamalaging pinagkukunan ng mga isda at iba pang mga yamang tubig.

Limang probinsiya ang bumubuo rito, ito ay ang BatanesCagayanIsabelaNueva Vizcaya at Quirino. Mayroon ring apat na siyudad, ito ay ang CauayanIlaganSantiago, at Tuguegarao.

Ngisi sa mga labi

Habang nagkukuwento si lolo ay hindi na ako mapakali dahil mayroon din palang mga karagatan sa Cagayan Valley katulad na lamang ng Anguib Beach na matatagpuan sa Santa Ana, Cagayan. Ito ay may puting buhangin at kulay asul na tubig na para bang nasa Boracay ka ang pakiramdam.

Hindi ko namamalayan na napakabilis nang takbo ng oras dahilan upang hindi ko makit ang pinagmamayabang ni lolo na Cagayan Valley.

Nakarating na kami sa bahay ni lolo dito sa Isabela, na kung saan ako  namulat at unti unting lumaki. Dito sa Isabela ko iniukit ang magagandang pangyayaring nangyari sa aking buhay.

Balang araw ang kwento ni lolo na magandang Cagayan Valley ay aking lilibutin ngunit hindi na siya kasama dahil matagal na siyang namayapa kaya habang lilibutin ko ang lambak na ito ay ipaparamdam ko sa kaniya ang aking mga ngiti, ‘yong tipong ngiti abot hanggang langit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *