7 December 2024

“Isa, dalawa, tatlo, ngiti!”

Sa bawat pitik ng kamera ay mga ngiti ang nakikita kasama ang mga tanawin na kung iisipin ay para bang nasa ulap ka. Mabubura pa kaya ang mga dating ngiting tumatak na sa bawat larawan na nakuha nito? Kung oo, tiyak na babalik kang muli dito sa Isabela upang muling ikurba pataas ang mga ngiting nabura sa kamera.

Gusto mo bang ibalik ang nakaraan? ‘Yong tipong halos ngiti na ang nilalaman ng iyong muka?

Pangalawa sa pinakamalaking probinsiya ang Isabela sa buong Pilipinas na kung saan presko ang hangin, nakakakalma ang agos ng tubig, at higit sa lahat iyong mga tanawin na kung pagmamasdan ay parang nasa ulap ang pakiramdam. Marami ng mga labi ang kumurba sa lugar na ito at nahagip ng camera lalong lalo na sa brgy. Dicamay 2.

Sa Dicamay 2 Jones Isabela ay may nakakurbang mapait na kahapon dahilan upang ito ay katakutan ng karamihan. Ito ay ang dating tirahan ng mga NPA, na kung saan sila ay salungat sa mga patakaran ng gobyerno dahilan upang magrebelde sila at manirahan sa kabundukan. Lingid sa kaalaman ng karamihan na may nakatagong yaman pala ang barangay na, ito ay ang Sibsib Falls ngunit dahil sa mga NPA naudlot ang mga ngiting dapat matagal ng naipinta sa mga labi.

Ngiting walang katumbas

Ang Sibsib falls ay isa sa mga kayamanan na mayroon ang brgy. Dicamay 2 ngunit dahil sa madilim na kahapon nito ay ngayon lamang ito nadiskubre. Ang dating brgy. na kinatatakutan ay ngayo’y dinudumog na at nilalanguyan. Mga halakhakan at tawanan na ang ingay na bumabalot dito dahilan upang kumuha ng litrato dito habang nakangiti na para bang abot hanggang langit.

Larawan mula sa Isabelino ako

Habang ang orasan ay patuloy na gumagalaw bakit hindi subukang bisitahin ang Sibsib falls at kumuha ng litrato na may ngiting nakalapat sa mga labi at sabihing “Isa, dalawa, tatlo, ngiti!”


PANOORIN:

Sibsib Waterfalls Jones, Isabela hidden paradise

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *