Binomba na rin ng tubig ng China Coast Guard (CCG) vessels ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na patungo sa Scarborough (Panatag) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) para sa supply mission.
Sa ulat ni GMA Integrated News’ Raffy Tima sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabi nito na nagtamo ng pinsala ang PCG vessel na BRP Bagacay dahil sa sabay na pambomba ng tubig ng dalawang mas malalaking CCG vessels.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for WPS, pinuntirya rin ng CCG ang BFAR vessel na BRP Bankaw, na bahagi ng misyon.
“This damage serves as evidence of the forceful water pressure used by the China coast guard in their harassment of the Philippine vessels,” ani Tarriela.
Nangyari ang insidente dakong 9:53 a.m., ayon sa PCG.
Patungo ang mga barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, para magdala ng mga pagkain at krudo sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.https://www.youtube.com/embed/fFw6NUkv-C4?si=SU8M9O6tAB6W2nTu
“At approximately 09:53, when the BFAR vessel was about 12 nautical miles from BDM [Bajo de Masinloc], CCG-3305 utilized its water cannon, directly hitting the starboard astern of the BFAR vessel,” ani Tarriela.
“When the PCG vessel was approximately 1000 yards east-southeast of BDM, CCG-3105 and CCG-5303 employed their jet stream water cannons, targeting the PCG vessel from both sides, resulting in damage to the railing and canopy,” dagdag niya.
Bukod sa pambobomba ng tubig, sinabi ni Tarriela na nakaranas din ng dangerous maneuvers at obstruction mula sa apat na CCG vessels at anim na Chinese maritime militia vessels ang mga barko ng Pilipinas.
“Despite the harassment and provocative actions of the Chinese Coast Guard, both the PCG and BFAR vessels stood their ground and continued their maritime patrol,” giit ni Tarriela.
Sinabi pa ng opisyal na muling naglagay ng 380-meter floating barrier ang CCG sa kabuang entrada ng Scarborough Shoal.
Sa mga nakaraang insidente ng pambobomba ng tubig ng CCG, mga sibilyang barko na kasama ng PCG at BFAR sa misyon ang tinatarget nitong bombahin ng tubig.
RELATED STORIES
Kotse, tumaob sa Commonwealth Avenue nang makatulog umano ang driver na papasok sa trabaho
2 ambulansiya na walang sakay na pasyente na dumaan sa EDSA busway, tiniketan3 patay, 17 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Fairview, QC
Gaya nang nangyari sa dalawang barko na ginagamit sa resupply misyon sa Pilipinas sa Ayungin Shoal.https://www.youtube.com/embed/fFw6NUkv-C4?si=SU8M9O6tAB6W2nTu
Samantala, iniulat naman ng Chinese state media na “itinaboy” ng CCG ang isang PCG ship at isa pang barko sa kalapit na Scarborough Shoal.
Muli ring inakusahan ng China ang Pilipinas na nag-uudyok ng gulo. —FRJ, GMA Integrated News
Tags: