Dumagsa ang mga Chinese national sa Cagayan upang mag-enroll at mag-aral umano sa mga unibersidad doon. Naitalang nasa 400 lamang na Chinese na estudyante, salungat sa naunang report noon kung saan nasabing nasa 4,600. Ang mga banyagang ito ay dapat na bantayan dahil sila ay may malaking banta sa seguridad ng bansa.
Basahin: Local officials sa Cagayan, Tuguegarao dinepensahan ang Chinese students
Nagsimula ang pagdagsa ng mga Chinese sa ating bansa noon pang taong 2019 na siyang ipinagtataka ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Dapat maging mapagmatyag ang AFP dito sapagkat kaduda-duda ito sa kadahilanang mas matatanda ang tsinong nag-aaral kaysa sa mga Pilipino. Mapapaisip na lang talaga tayo, narito ba sila para mag-aral o para maging espiya sa bansa?
Basahin: Chinese students in Cagayan could be spies
Ngunit binigyang linaw ni Mayor Maila Rosario Ting Que ng Tuguegarao City ang patungkol sa usaping ito, anya ay hindi lahat ng mga Tsinong estudyante bagkus ang iba ay mga propesor. Pero hindi ito sapat na impormasyon upang palayain ang mga tsino sa mga matang mapagmatyag, dapat ay masigurong ang kanilang layunin ay malinis at puro.
Batay sa Executive Order 285, s. 2000– pinahihintulutan ang sino mang magnanais na mag-aral sa ating bansa. Ngunit ang bilang nila ay nakakaalarma ayon sa mga kongresista. Malaki naman ang kanilang bansa at hindi malabong may maganda silang sistema ng edukasyon kung kaya’t hindi natin maiiwasang pagdudahan ang mga kaduda-duda.
Ang pagdami ng mga Chinese ay hindi dapat na binabalewala kahit pa na ang nasabing dahilan ng pagdagsa nila sa ating bansa ay para sa edukasyon. Nararapat pa ring maging handa tayo sa maaring maging malaking bantang maidudulot nito sa seguridad ng bansa. Hindi dapat ipagkibit balikat lang ang isyung ito, bagkus ay bigyang pansin at obserbahang mabuti upang malaman ang totoong layunin nila at sa huli ay hindi tayo magsisi.