TUGUEGARAO CITY- Patuloy na pinagtibay ang Project Trycicle Operators and Drivers Association (TODA) Arangkada para sa mga tagamaneho ng tricycle at sa ekonomiya ng siyudad ng Tuguegarao City.
Ayon kay City Mayor Maila Rosario Ting Que, layunin ng proyektong alisin ang negatibong kaisipan at pagtibayin para sa TODA.
Tinatayang nasa 8,000 tagamaneho ng tricycle na ang nagpapasada sa siyudad ngayong taon.
Natulungan ng proyekto ang iba’t ibang mga sektor na maaaring pagkuhanan ng kita ng mga naninirahan sa syudad ng Tuguegarao.
Malaki ang naging epekto nito sa kanilang ekonomiya, dahil sa kanila maraming nagpatayo ng mga istasyon ng gasolinahan, maraming estudyanteng nakakapasok, at gayundin sa mga karinderya, restawran, at ibang mga pamilihan.
Makikita pa rin sa mga kalsada ang sunod-sunod na mga tricycle na nagpapasada sa kanilang siyudad.
“This project is here to inform everyone the positive change caused by the tricycle driver,” pahayag ng City Mayor.