14 December 2024
Pinas ipinatawag Chinese envoy sa water cannon attack

This frame grab from handout video footage taken and released on April 30, 2024 by the Philippine Coast Guard (PCG) shows the Philippine Coast Guard ship BRP Bagacay (C) being hit by water cannon from Chinese coast guard vessels near the chinese-controlled Scarborough shoal in disputed waters of the South China Sea. The Philippines said the China Coast Guard fired water cannon on April 30 at two of its vessels, causing damage to one of them, during a patrol near a reef off the Southeast Asian country.

Photo by Handout / Philippine Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines —Ipinatawag nitong Huwebes ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Deputy Chief of Mission ng Chinese Embassy na si Zhou Zhiyong dahil muling paggamit ng water cannon ngz China laban sa mga barkong Pilipino sa Scarborough Shoal.

Nagsasagawa ng routine at regular na humanitarian mission sa Bajo de Masinloc noong Abril 30 ang barko ng Pilipinas nang bombahin ng water cannon.

Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, ipinoprotesta ng Pilipinas ang panggigipit, ramming, pagsunod, pagharang, mapanganib na pag-maneuvers, paggamit ng water cannons at iba pang agresibong aksyon ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ang mga agresibong aksyon aniya ng China, partikular ang paggamit nito ng water cannon, ay nagdulot ng pinsala sa mga sasakyang pandagat ng PCG at BFAR.

Ayon kay Daza, hiniling ng Pilipinas na umalis kaagad ang mga sasakyang pandagat ng China sa Bajo de Masinloc at sa paligid nito.

Bukod sa pagpapaputok ng water cannon, sinabi ng PCG na naglagay din ang China ng 380-meter ­floating barrier na tumatakip sa entrance ng ­Scarborough Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *