14 December 2024

Walong letra lamang ang salitang KALAYAAN ngunit ito’y napakahalagang kataga sa bawa’t Pinoy. Marahil ito ang naging daan para umunlad ang ating bansa at makamit ang ating mga pangarap na inaasam-asam.

Ngayong Hunyo 12, nakatakda ang ika -*** anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na maituturing na pinakamahalagang petsa sa kasaysayan sapagka’t marka ito ng pagkamit ng kalayaan ng bansa mula sa mga Espanyol na nagkait sa atin ng pag-asa noong Hunyo 12, 1898.

Kung ating matatandaan, ang dating presidente ng

Pilipinas na si Emilio F. Aguinaldo ang nakipaglaban upang maihayag ang kalayaan ng mga Pilipino na siyang naging hudyat ng paglayag ng ating bandila bilang simbolo ng pagkakaisa at kaginhawaan ng mga mamamayan.

Kung wala ito, maaring ang mga tao’y hindi nagkakaisa ngayon datapwa’t, ito’y isinasagawa taon-taon para sa kaalaman ng milyon-milyong tao na ito’y mahalagang kasangkapan para sa pag-abot ng kapayapaan.

Ito’y bilang tugon din sa Proclamation 295 na nilagdaan ng

Pangulong Benigno S. Aquino Ill na kung saan naghahayag ng regular na Holidays, Special Non-Working Holidays, at Special Holidays sa mga paaralan ngayong taong 2***.

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE, lahat ng manggagawang Pinoy ay makakakuha pa rin ng isangdaang porsiyentong sahod sa araw na yaon bagama’t sa mga mag-overtime na magtrabaho sa Hunyo 12 ay makakapagkamit ng double pay sa naturang araw.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang aktibidad,sapagka’t ilan sa mga opisyal at kawani ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa tulad na lamang ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando at Provincial Government ng La Union ay magsasagawa ng simpleng programa tulad na lamang ng pagtataas ng watawat at pag-aanyaya ng tagapagsalita partikular na ang Direktor ng Department of Interior and Local Government na si Corazon Guray, bilang paggunita.

Magiging tampok din sa selebrasyon ang pagpaparada ng mga kapulisan at military sa Maynila na pangungunahan ng pangulo na siyang masusundan ng talumpati at dalawamput-isang gun salute, ayon sa ulat.

Para sa ilang Pinoy, lalong-lalo na ang mga namamasada ng mga bus, jeep o tricycle, manggawa sa ibang bansa o ibayong dagat, magiging ordinaryong araw lamang ito dahil patuloy pa rin sila sa pakikipagsapalaran para sa kanilang mga pamilya.

Ngunit, sa darating na Hunyo 12 at susunud na araw, kahit hindi magiging kapansin-pansin ito, magsisilbing hamon ito sa bawat Pilipino’y na kailangang magtulungan kahit pa may kaguluhan sa ibang panig ng bansa at pati sa ibang bansang walang katiyakan.

Problema man ang sumapit sa atin, tulad ni Aguinaldo kailangan nating maging matapang para sa pagtamo ng kalayaan tungo sa kaunlaran at kinabukasan ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *