13 December 2024

Simula noong Mayo 2022, may mga naiulat na kaso ng monkeypox mula sa mga bansang hindi karaniwang nagkakaroon nito o non-endemic, habang patuloy na nagkakaroon ng kaso ang mga bansa kung saan ito endemic.  


Ayon sa World Health Organization, ito ang unang pagkakataon na maraming kaso at cluster ng monkeypox ang sabay-sabay na naiulat sa mga non-endemic at endemic na bansa na magkakalayo at nakakalat sa buong mundo.  

Noong 23 July 2022, inihayag ni WHO Director-General Dr Tedros Ghebreyesus na ang multi-country outbreak ng monkeypox ay isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).  

Ang pagdedeklara ng isang PHEIC at ang mga pansamantalang rekomendasyon ng Director-General ay naglalayon na mapabuti ang koordinasyon, kooperasyon, at global solidarity na may layuning ihinto ang pagkalat nang tao sa tao at protektahan ang mga vulnerable group.  

Noong 29 July 2022, ikinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox sa bansa. Ang Pilipinas ang ika-8 na bansa/lugar sa WHO Western Pacific Region na nakapag-ulat ng kumpirmadong kaso ng monkeypox.  

LARAWAN MULA SA: hellodoctor

“The Department of Health has been proactive towards preparedness, prevention, and response to monkeypox, and we will continue our support as the situation evolves, (Ang Department of Health ay naging maagap sa paghahanda, sa pagpigil, at sa pagresponde sa monkeypox, at patuloy ang ating suporta habang nagbabago ang sitwasyon),” sabi ni Dr Graham Harrison, Officer-in-Charge, WHO Philippines sa isang pahayag.

Pinapayuhan ng WHO ang mga Filipino na humingi ng payong medikal kapag nakararanas ng mga sintomas ng monkeypox. “We at WHO want to highlight that monkeypox can affect anyone, but everyone can help reduce its transmission, (Nais naming bigyang-diin na kahit sino ay maaaring maapektuhan ng monkeypox, ngunit lahat ay maaaring makatulong na mapigilan ang pagkalat nito),” sabi ni Dr Harrison. 

Basahin: Monkeypox: Mga Dapat Malaman ng Publiko (infographic) 

Ano ang monkeypox?  

Ang monkeypox ay isang sakit na dulot ng monkeypox virus. Ito ay isang viral zoonotic infection – ibig sabihin ay maaaring maipasa sa tao mula sa hayop.   

Maaari rin itong maipasa nang tao sa tao kung may skin-to-skin contact, kasama ang pagdikit sa rash o pantal, pagyakap, paghalik o pakikipagtalik.   

Panoorin ang video na ito para sa dagdag impormasyon tungkol sa monkeypox virus, mga sintomas nito, at paano ito kumakalat. 

Ano ang mga sintomas ng monkeypox? 

Ang mga karaniwang sintomas ay lagnat, pamamaga ng mga lymph node, pananakit ng ulo, pananakit ng mga kalamnan at likod, pagiging matamlay, at pantal na may paltos o blisters sa mukha, kamay, paa, katawan, mata, bibig, o ari.  

Paano naipapasa ang monkeypox sa mga tao?  

Ang monkeypox ay kumakalat nang tao sa tao sa pamamagitan ng close physical contact sa taong mayroong monkeypox rash (face-to-face, skin-to-skin, mouth-to-mouth, mouth-to-skin). Kasama rito ang pagdikit sa balat na may rash o pantal, o sa pagyakap, paghalik, o pakikipagtalik.

Mayroon bang bakuna kontra monkeypox?  

Mayroong bakuna na naaprubahan upang maiwasan ang pagkalat ng monkeypox. May mga bansang nagrerekomenda ng pagbabakuna para sa mga taong at-risk (tulad ng mga nagkaroon ng close contact sa taong may monkeypox, kasama ang mga health workers).   

Base sa datos ngayon, hindi ipinapayo ng WHO ang magkaroon ng mass vaccination laban sa monkeypox.

Ang monkeypox ba ay isang sexually transmitted infection?   

Ang monkeypox ay hindi isang sexually transmitted infection. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng anumang uri ng close physical contact gaya ng face-to-face, skin-to-skin, mouth-to-mouth, mouth-to-skin. Ang sinumang madikit sa monkeypox rash o pantal, kahit na walang sexual contact, ay maaaring mahawaan nito. 

Basahin: Mga Madalas na Tanong Tungkol sa Monkeypox (infographic) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *